Filipinos in Singapore
AppsUwi Checklist

Uwi Checklist: papers for going home on leave and coming back to Singapore

Ano ang dadalhin ko?

Ilagay para malaman kung kailan pwede nang mag-fill up ng forms.

Pauwi sa Pilipinas

0 of 4 ready
  • etravel.gov.ph(opens in a new tab)

Mga tanong

Ano ang kailangan ko pauwi ng Pilipinas galing Singapore?

Ticket, passport, at eTravel para sa arrival sa Pilipinas, na pwede sa loob ng 72 oras (3 araw) bago ka lumapag. Dalhin din ang Work Permit card mo dahil kailangan mo ito pagbalik.

Ano ang kailangan ko pabalik ng Singapore?

Ticket, passport, eTravel para sa departure sa Pilipinas (72 oras bago ang flight), OEC, Work Permit card o ang digital pass sa SGWorkPass app, at SG Arrival Card sa loob ng 3 araw bago ka dumating. Magdala rin ng kopya ng verified contract just in case.

Na-print ko na ang OEC. May iba pa ba?

Ayos na ang OEC. Ang natitira ay ang dalawang eTravel (isa pauwi, isa pabalik) at ang SG Arrival Card. Hindi pa pwede ang mga ito hanggang 3 araw bago ang flight, kaya ilagay ang petsa ng flight mo para makita kung kailan.

May bayad ba ang eTravel at SG Arrival Card?

Wala. Pareho silang libre sa etravel.gov.ph at sa ICA website o MyICA app. Huwag magbayad sa ibang website na naniningil.

Kailangan ko bang magbayad ng travel tax pabalik sa trabaho?

Hindi, kung may OEC ka. Ayon sa TIEZA, valid ang OEC bilang travel tax exemption kapag papunta ka sa worksite mo.

Sources, checked 1 Nov 2026

Rules change. Check the official pages before you fly. The checklist and dates stay on this phone only.